Matapos magpakasasa sa paglilibot sa Mall of Asia [pagkatapos dayain ang Avon Walk Against Breast Cancer], nagkaroon ng mini-reunion sa bahay nila Joana Joy, kaarawan niya, at maraming tridash-colossians ang dumalo. Special mention syempre sina Ma. Leona S. Khan [na kung hindi ko pa siguro tinadtad ng text e hindi pupunta], Ma. Kristina O. Llorca [na buong akala e galit na galit ako sa kanya. Actually, hindi naman ako nagalit. Nasabi niya na e, ano pang magagawa ko. Sana nagkausap kami kagabi. Masyado siyang natakot sa akin, hindi ko naman siya kakainin], at syempre si [drumroll] Jeffren B. Eliang [na nagdrama nang kaunti, as always, kumanta nang kumanta at nagpapiktyur nang nagpapiktyur]. Sayang wala si Villarica D. Manuel at Gracejoy Felice V. Anonas.
Hindi ako mahilig sa ganoong gathering. KJ na kung KJ. Ganoon eh. Parang si Gracejoy, masyadong killjoy. Gusto ko silang makita pero parang ayoko rin. Gusto kong maging masaya pero parang ayoko rin. Mas madalas kesa hindi na iniiwasan ko ang mga bagay o tao o pakiramdam na nagpapasaya sa akin. Emo ba? Hindi, simpleng patetik lang. Magulo ang takbo ng pag-iisip.
Kagabi, hindi sobrang saya, hindi rin sobrang lungkot. Soya lang. Siguro dahil nakita ko na yung dalawang taong gusto kong makita bago mangyari ang event last night. Si Leo, noong September 30 sa tapat ng CEA. Si Jeff, noong September 12 sa loob ng PLP ECE Department.
Alam kong alam niya na. Alam niyang alam ko na na alam na niya. Pero walang nagtatatangkang magbukas ng paksang yon. Tingin ni Leo, mutual lang. Ayokong i-open sa takot na baka magka-ilangan, at ayaw rin niyang i-open sa parehong dahilan. Ayoko na rin talaga sigurong pag-usapan. Alam kong hanggang doon na lang, at masaya na ako. Kahit kailan naman hindi ako naghangad ng higit pa roon. Ano naman ngayon kung alam niya na? Sinabi na rin niyang walang magbabago. BFFAE. Best friends forever and ever [pauso lang yan ng klasmeyt ko].
Saka na yung mga litrato. Nagloloko si flash drive.